pasado alas dos, madaling araw.
at ayaw akong dalawin ng antok.
ano nga ba ang aking iniisip?
minsan ay ganito, madalas siguro, na nagiisip ng wala. at sa tuwing ganito, na wala nga, sa dulo lamang ng mga daliri mapagtatanto ang nilalaman ng isip. kaya ngayon, sa mga sandaling ito na wala naman talaga akong iniisip ngunit di makatulog,
ay nagsusulat, at iniisp ka
sa dulo ng mga daliri...